Matt at Mandy
Hi, sis. Ano ang ginagawa mo?
Nagdaragdag sa listahan ko ng mga pagpapala.
Ano iyon?
Isang listahan ito ng lahat ng bagay na pinasasalamatan ko.
Ngayo’y isinusulat ko ang lahat ng taong nagpala sa buhay ko.
Tulad ng kapatid mo na sobrang nakakatawa?
Tama! At sina Inay at Itay. At ang mga missionary na nagturo sa pamilya natin.
Mga doktor, tulad noong nag-ayos ng kamay kong nabali. At mga narses. At mababait na titser. At …
Alam mo? Hindi sapat ang papel natin para sa listahan mo.
At paubos na ang tinta ng bolpen ko!