2022
Maghanda para sa Templo!
Nobyembre 2022


Maghanda para sa Templo!

Tinanong namin ang mga bata kung paano sila naghahandang pumunta sa templo at kung ano ang aasahan. Narito ang sabi nila!

Portrait of Alivia Woodbury.

“Pinag-aaralan ko ang mga tanong sa interbyu sa pagpasok sa templo para maging handa sa pagpunta sa templo. Gusto ko, malakas ang patotoo ko.”

Alivia W., edad 9, Utah, USA

Picture of Luke Freeman.

“Nasasabik akong makapunta sa templo balang-araw para magsagawa ng mga binyag. Marami akong natutuhan tungkol sa templo sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan. Natutuwa ako dahil kahit nasa bakuran ako ng templo, damang-dama ko ang Espiritu. Sigurado ako na mas malakas ang Espiritu sa loob.”

Luke F., edad 10, Idaho, USA

Picture of Mark Yeromin sitting on the couch holding a kitten.

“Maaari kang maghanda para sa templo nang paunti-unti araw-araw. Sinusunod ko ang mga kautusan. Nagbabasa ako ng mga banal na kasulatan kasama ang kapatid at nanay ko tuwing umaga bago pumasok sa paaralan. Sinisikap kong maging halimbawa sa mga kaibigan. Sinisikap kong piliin ang tama tulad ng nakasaad sa himnong ‘Gawin ang Tama’ (Mga Himno, blg. 144). Inaawit namin iyan sa umaga para gumanda ang pakiramdam namin!”

Mark Y., edad 10, Poltava, Ukraine

Picture of Daniel Denshchykov.

“Araw-araw akong nagdarasal at tinatanong ko ang mga magulang ko tungkol sa mga ordenansa sa templo. Naghahanda rin ako para sa aking interbyu sa bishop. Nasasabik akong makapunta sa templo.”

Daniel D., edad 11, Kyiv, Ukraine

Picture of Antonella Igor.

“Gustung-gusto ko ang una kong pagpunta sa templo. Bago ako nabinyagan, nakapaglingkod ako bilang saksi. Pinanood ko ang ibang tao na mabinyagan at tiniyak ko na talagang nailubog siya nang husto sa tubig. Nang ako na ang bibinyagan, maligamgam ang tubig. Nakadama ako ng kapayapaan at kaligayahan. Mahal ko ang templo at gustung-gusto kong tumulong sa dakilang gawaing ito.”

Antonella A., edad 12, British Columbia, Canada