“Ipakita at Ikuwento ang Tungkol sa Kumperensya,” Kaibigan, Nobyembre 2022, 6–7.
Ipakita at Ikuwento ang Tungkol sa Kumperensya
Gumawa sina Sophie, Bailey, at Claire B., edad 4, 8, at 6, mula sa Texas, USA, ng mga sugar-cube temple habang nakikinig sa kumperensya.
Mahilig makinig si Fabiola R., edad 12, mula sa Rio Grande do Sul, Brazil, sa kumperensya na kasama ang kanyang pamilya. Hindi siya marunong magbasa o magsalita pero nadarama niya ang kapayapaan at pagmamahal mula sa mga mensahe sa kumperensya. Ang paborito niyang bahagi ay ang makinig sa kaibigan niyang si Pangulong Henry B. Eyring.
Liesel L., edad 9, Kansas, USA
Lucy M., edad 7, Utah, USA
Milo M., edad 8, Arizona, USA
Naglalaro kami sa oras ng kumperensya. Nagdaragdag kami ng sticker sa isang pirasong papel tuwing maririnig namin ang pangalan ni Cristo. Sa huli ay punung-puno ng mga sticker ang mga papel namin!
Manu L., edad 6, Tel Aviv, Israel
Gustung-gusto ko ang kawili-wiling mga kuwento sa atin ng propeta at mga apostol tungkol sa kanilang buhay.
Adam L., edad 9, Tel Aviv, Israel
Mahilig ako sa musika! Ang paborito kong bahagi ay ang pakikinig sa pagkanta ng choir. Sana makakanta ako sa isang choir balang-araw.
Reuben F., edad 4, Louisiana, USA
Gusto kong pakinggan ang ating propeta at ang mga espesyal na himnong kinakanta ng Tabernacle Choir.
Isaac E., edad 6, Western Region, Ghana
Gusto kong makasama ang aking pamilya at magkulay ng mga larawan sa oras ng kumperensya.
William S., edad 7, Tasmania, Australia
Gustung-gusto kong makinig sa ating propeta at marinig kung saan magkakaroon ng mga bagong templo.
Noah A., edad 12, Al-Ahmadi, Kuwait
Gusto naming makinig sa pagkanta ng choir at paggawa ng mga aktibidad sa kumperensya.
Danielle, Hailey, at Robin L., edad 6, 10, at 9, Singapore