2022
Kilalanin si Carmen na Taga-Lebanon
Nobyembre 2022


Matulunging mga Kamay sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo

Kilalanin si Carmen na Taga-Lebanon

Kilalanin ang mga batang Primary na tumutulong sa iba, tulad ng ginawa ni Jesus.

A young girl named Carmen Ahmad stands outside and smiles.

Lahat ng tungkol kay Carmen

Carmen Ahmad with her three older siblings.

Edad: 8

Mula sa: Syria pero nakatira na ngayon sa Lebanon

Mga Wika: Arabic, Engish

Mga mithiin at pangarap: 1) Bisitahin ang templo. 2) Maging isang artist. 3) Magmisyon.

Pamilya: Si Carmen ay may dalawang ate at isang kuya.

Ang Matulunging mga Kamay ni Carmen

Carmen Ahmad smiles with a box full of supplies.

Si Carmen at ang kanyang ina ay nakatira sa Lebanon, pero nakatira sila dati sa Syria. Taga-Siria rin ang mga kapitbahay nila. Noong Disyembre, ginusto ni Carmen na gumawa ng kabutihan para sa kanila. Bawat araw hanggang Pasko, bumili si Carmen ng isang maliit na bagay sa tindahan. Inilagay niya ang lahat ng iyon sa isang kahon. Pagkaraan ng 25 araw, puno na ang kahon. Sa Araw ng Pasko, dinala ni Carmen ang kahon sa mga kapitbahay niya. Ang laki ng pasasalamat nila! Sinabi ni Carmen na ang kanyang paglilingkod ay nagpaalala sa kanya ng paglilingkod na ibinigay ni Jesucristo. “Kapag nagpapakita tayo ng pagmamahal sa iba,” sabi ni Carmen, “nadarama natin ang pagmamahal ng Diyos.”

Mga Paborito ni Carmen

Lugar: Tabing-dagat

Kuwento tungkol kay Jesus: Nang lumakad si Jesus sa ibabaw ng tubig

Awit sa Primary: “Ako ay Mahal ng Ama sa Langit” (Aklat ng mga Awit Pambata, 16–17)

Pagkain: Noodles, mga ice-cream sundae

Kulay: Light purple

Subject sa paaralan: Science

story PDF

Mga paglalarawan ni Svetla Radivoeva