2022
Hello mula sa Lebanon!
Nobyembre 2022


Hello mula sa Lebanon!

Sumama kina Margo at Paolo sa paglalakbay nila sa mundo para malaman ang tungkol sa mga anak ng Ama sa Langit.

Ang Lebanon ay nasa Middle East. Mga 7 milyong tao ang nakatira doon.

Mga Baybaying Lungsod

Two young girls stand on a rocky beach in Beirut, Lebanon.

Ang buong hangganan ng Lebanon sa kanluran ay nasa baybayin ng Mediterranean Sea. Ang mga batang babaeng ito ay nasa isang tabing-dagat sa kabiserang lungsod na Beirut.

Opisyal na Wika

Doctrine Covenants - Pearl of Great Price  - Hard Cover - Arabic.

Ito ang Doktrina at mga Tipan sa Arabic, ang opisyal na wika ng Lebanon.

Tabbouleh

This image is just the salad. Illustrations of the Cedars of Lebanon, the Lebanon flag, Tabbouleh salad, and a cityscape of Beirut, Lebanon.

Ang salad na ito ay gawa sa parsley, kamatis, mint, sibuyas, at bulgur (isang uri ng butil).

Mga Cedar ng Lebanon

Illustrations of the Cedars of Lebanon, the Lebanon flag, and a cityscape of Beirut, Lebanon.

Dati-rati’y maraming puno ng cedar sa Lebanon. Binanggit nang mahigit 70 beses ang mga cedar ng Lebanon sa Biblia! Ngayon, may isang cedar tree sa bandila ng Lebanon.

Dalawang Relihiyon

The Mohammad Al Amin Mosque in Beirut, Lebanon.

Ang Islam at Kristiyanismo ang mga pangunahing relihiyon ng Lebanon. Ang mosque ng mga Muslim ay katabi ng isang simbahang Kristiyano.

Page from the November 2022 The Friend Magazine.

Mga paglalarawan ni Katie McDee