2022
Magtuon sa Templo
Nobyembre 2022


“Magtuon sa Templo,” Kaibigan, Nobyembre 2022, 2–3.

Isang Mensahe sa Kumperensya mula sa Propeta

Magtuon sa Templo

Hango sa “Magtuon sa Templo,” Liahona, Nob. 2022.

mensahe tungkol sa templo

Paglalarawan sa templo ni Bailey Rees; pahinang kukulayan ni Bryan Beach

Kamakailan, pinanood namin ni Sister Nelson ang mga bagong video ng Aklat ni Mormon. Ipinakita sa isa sa mga iyon ang Tagapagligtas na nagpapakita sa mga Nephita. Sabi niya, “Masdan, ako si Jesucristo. … Ako ang ilaw at ang buhay ng sanlibutan” (3 Nephi 11:10–11).

Mahalaga na nagpakita ang Tagapagligtas sa mga tao sa templo. Bahay Niya iyon. Puno iyon ng Kanyang kapangyarihan.

Minamadali ng Panginoon ang pagtatayo ng mga templo. Ito ay upang mas maraming taong makapunta roon. Ipinapangako ko na ang pagpunta sa templo nang mas madalas ay magpapala sa mga tao sa paraan na walang ibang makakagawa.

Sa kumperensya, nagbalita ako ng 18 pang templo. Sa ilang napakalalaking lungsod, mahaba ang paglalakbay ng mga tao papunta sa templo sa kanilang lungsod. Kaya magtatayo tayo ng ilang templo sa ilan sa malalaking lungsod na ito. Apat sa mga bagong templo ang itatayo malapit sa Mexico City.

Mahal kong mga kapatid, nawa’y magtuon kayo sa templo nang higit kaysa rati. Binabasbasan ko kayong maging mas malapit sa Diyos at kay Jesucristo araw-araw. Mahal ko kayo. Patnubayan nawa kayo ng Diyos hanggang sa muli nating pagkikita.

Dinalaw ni Jesus ang mga Nephita

pahinang kukulayan ng pagpapakita ni Jesus sa mga Nephita

Nagpakita ang Tagapagligtas sa mga Nephita sa templo dahil iyon ang Kanyang bahay. Binibiyayaan tayo ng Diyos ng mas maraming templo para palakasin at protektahan tayo.