2022
Isang Pakikipag-chat kay Xiomara tungkol sa Pagiging Baguhan sa Young Women
Nobyembre 2022


Isang Pakikipag-chat kay Xiomara tungkol sa Pagiging Baguhan =sa Young Women

Si Xiomara (binibigkas na she-o-MA-ra) ay taga-Chiapas, isang estado sa southern Mexico. Kamakailan ay lumipat siya sa Young Women.

Illustration of Xiomara.

Una, gusto ka naming makilala.

Ano ang libangan mo?

Magbisikleta, maglaro ng soccer, at magluto. Ang paborito kong lutuin ay quesadillas!

Ano ang paborito mong kulay?

Dilaw.

Ano ang kinasasabikan mo sa paglipat sa Young Women mula sa Primary?

Sabik talaga akong makapunta sa templo at magsagawa ng mga binyag.

Ano ang nadama mo sa pagpunta sa Young Women sa unang pagkakataon?

Mahirap sa una. Nag-alala ako sa iisipin ng nakatatandang mga dalagita tungkol sa akin. Medyo kinabahan ako hanggang sa magkakasama kaming nagpuntang lahat sa templo. Noon kami naging mabubuting magkaibigan.

Ano ang pakiramdam ng makapunta sa templo sa unang pagkakataon?

Xiomara walking in front of the Tuxtla Gutierrez Mexico Temple.

Napakaespesyal niyon. Ang pagpasok sa loob ng templo ng Panginoon ay isang espirituwal na karanasan. Noon ko pa gustong magpunta sa templo. Sa Primary, kumakanta kami ng, “Templo’y ibig makita. Doon ay pupunta.” Ngayo’y masasabi ko nang, “Gustung-gusto kong magpunta sa templo.”

Sa unang pagkakataong iyon sa templo, nagsagawa ako ng mga binyag para sa ilan sa mga tita ko, ilang kamag-anak ng lola ko (sa panig ng nanay ko), at iba pang mga taong hindi ko kilala. Ang templo at family history ay bahagi ng aking patotoo.

Ano ang ilang masasayang aktibidad na nagawa ninyo sa inyong Young Women group?

A batch of chocolate chip cookies.

Paggawa ng cookies! Gumawa kami ng 150 cookies. Pagkatapos ay ipinamigay namin ang mga ito sa ibang tao. Masaya ang mga aktibidad ng Young Women. Puno ang mga iyon ng magagandang aral, pagganyak, at patnubay na tutulong sa amin na maging mga missionary sa hinaharap.

May iba pa bang mga dalagitang kaedad mo sa inyong ward?

Ako lang. Ako rin ang tanging miyembro ng Simbahan sa klase ko sa paaralan.

Mahirap bang maging tanging miyembro ng Simbahan sa paaralan?

Hindi. Alam ng lahat ng kaibigan ko na iba ang relihiyon ko kaysa sa kanila, pero hindi iba ang pagtrato nila sa akin.

Ano ang pinakagusto mo sa pagsali sa Young Women?

Gusto kong matutuhan pa ang iba tungkol sa Tagapagligtas at sa plano ng kaligtasan. Malaking pagpapala ang paggawa ng family history. Gusto kong gumawa ng mga binyag sa templo para mabigyan ng pag-asa ang mga kamag-anak namin na wala na sa mundong ito.

Gustung-gusto kong makasali sa programa ng Young Women!

story PDF

Mga larawang-guhit ni Alyssa Tallent