Malalaking Kuwento
Mahilig mangisda si Beckham kasama si Lolo. Nakahuli pa nga siya ng isang maliit na isda!
Pero nang ikuwento iyon ni Beckham kay Inay kalaunan, maaaring medyo nagsinungaling siya.
Nanalo si Beckham sa paligsahan nila ng mga kaibigan niya sa pagtalon.
Pero nang ikuwento niya iyon kay Itay, maaaring medyo nagsinungaling siya.
Kinabukasan, nagpunta sa Zoo ang pamilya ni Beckham. Nagawa pa nga niyang pakainin ang isang unggoy!
Pero nang ikuwento niya iyon kay Lolo, maaaring medyo nagsinungaling siya.
Hala! Talaga bang nagpakain ka ng dragon?
Naku, hindi po … unggoy lang iyon. Pero hindi iisipin ng mga tao na astig ako kung sasabihin ko po sa kanila ang totoong nangyari.
Hindi mo kailangang mag-imbento ng mga kuwento para magustuhan ka ng mga tao. Ang pagsasabi ng totoo ang pinakamagandang piliin. At sapat na ang magpakatotoo ka! Gayon din ang iniisip ng Ama sa Langit.
Bukod diyan, ang magpakain ng unggoy ay medyo astig nga naman.