Margo at Paolo
Ano’ng problema? Hindi ka ba nasasabik na makilala ang mga bago nating kaklase sa Primary?
Siguro medyo kabado lang ako.
Alam ko na maraming beses na naming nagawa ito, pero palaging mahirap maging baguhan.
Kunsabagay, saan man tayo naroon, pareho lang ang mga kinakanta at natututuhan natin tungkol kay Jesus.
Bukod pa roon, ako ang pinaka-astig na kapatid sa lahat. Tutulungan kitang magkaroon ng mga bagong kaibigan.
Squawk! Mga bagong kaibigan!
Tama si Kiwi! Lagi tayong nagkakaroon ng mabubuting kaibigan.
At hinihintay nila tayo ngayon! Handa ka na bang makilala sila?
Handa na ako.