Kaya Kong Manindigan para sa Iba
Kaya Kong Pansinin ang Iba
Ginustong makita ng isang lalaking nagngangalang Zaqueo si Jesus. Maliit siya, kaya umakyat siya sa isang puno para mas makakita siya. Karamihan sa mga tao ay ayaw kay Zaqueo. Pero walang pakialam si Jesus sa iniisip ng mga tao. Napansin niya si Zaqueo at hiniling na bisitahin ito sa bahay niya. (Tingnan sa Lucas 19:2–10.)
Kapag nag-iisa ang isang tao, maaari akong tumulong at maging mabait sa kanila.
Kaya Kong Isama ang Iba
Nagpunta ang ilang bata para makita si Jesus. Nais ng Kanyang mga disipulo na paalisin sila. Pero sabi ni Jesus: “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang maliliit na bata” (Marcos 10:14). Binasbasan Niya sila at pinag-ukulan sila ng panahon.
Kapag napag-iiwanan ang isang tao, maaari ko siyang anyayahang sumama sa akin.
Maaari Akong Magsalita para sa Iba
Isang gabi, niregaluhan ng isang babae ng langis si Jesus. Sabi ng ibang tao, mapagsayang siya. Pero sabi ni Jesus, “Hayaan ninyo siya” (Marcos 14:6). Sinabi niya sa kanila na may nagawang mabuti ang babae.
Kapag nagsabi ng masasakit na bagay ang ibang tao tungkol sa isang tao, maaari akong magsabi ng mabuting bagay sa halip na gayahin sila.