Pagsunod kay Jesus saSweden
Kilalanin sina Linnéa, Felicia, at Cecilia
Tungkol sa Kanila
Mga pangalan: Linnéa, edad 11; Cecilia, edad 7, at Felicia, edad 9
Mula sa: Skåne, Sweden
Wika: Swedish
Mga mithiin at pangarap: Tumugtog ng mga himno sa piyano (Linnéa), maging missionary (Felicia), tumulong sa bahay (Cecilia)
Pamilya: Inay, Itay, Linnéa, Felicia, Cecilia, at dalawang maliliit na kapatid na lalaki (Caspian at Valdemar)
Paano Nila Sinusunod si Jesus
“Sinusundan ng buong pamilya namin si Jesus,” sabi ni Linnéa. Nagtatawagan sila ng pinsan niya tuwing umaga para magkasamang magbasa ng mga banal na kasulatan. Minsan ay sumulat siya ng isang kanta tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesus at ibinahagi niya iyon sa family home evening.
Si Felicia ay isang magandang halimbawa sa paaralan. Nagkuwento siya sa guro niya tungkol sa pangkalahatang kumperensya. “Alam na niya na Kristiyano ako,” sabi niya. “Ipinaalam ko sa kanya ang pangalan ng Simbahan at nagkuwento ako nang kaunti tungkol sa binyag ko.”
Sumusunod si Cecilia kay Jesus sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga banal na kasulatan at pagtulong sa iba. “Kapag tinutulungan ko ang isang tao, lumalambot at lumulutang na parang ulap ang puso ko,” sabi niya.
Mga Paborito Nila
Lugar: Isang kakahuyan sa tabi ng bahay nila (Linnéa)
Mga prutas at gulay: Pinya, strawberry, saging, mansanas, pipino, pakwan
Mga subject sa paaralan: Art (Linnéa), pananahi at woodwork (Felicia), gymnastics (Cecilia)