Ano ang Nasa Isip Mo?
Naiinis ako at nayayamot nang husto sa mga bagay-bagay. Paano ako mas sasaya?
—Nalulungkot sa Ulsan
Mahal na Nalulungkot,
Taglay natin ang lahat ng uri ng emosyon. Maaari tayong mag-alala, sumaya, magalit, malungkot, o maging katawa-tawa—kung minsa’y lahat ng ito sa loob ng isang araw! Ito ay normal at nagpapalusog.
Ang isang bagay na makakatulong sa atin na mas sumaya ay ang pasasalamat. Maaari tayong magpasalamat sa isang Ama sa Langit na palaging nakikinig at sa isang Tagapagligtas na nagmamahal at nagmamalasakit sa atin. Kung madalas kang nalulungkot, magandang ideya ang kausapin ang isang pinagkakatiwalaang matanda tungkol dito.
Nagmamahal,
Ang Kaibigan
Laruin ang Thankful Game!
Handa ka na bang maghanap ng higit na pasasalamat? Kumuha ng isang dice, pagulungin ito, at sundin ang mga tagubilin sa tabi ng lumitaw na numero. Kapag mas marami kang hinahanap na mga pagpapala, mas marami kang makikita!
-
Maglista ng limang bagay na naibigay sa iyo ng Ama sa Langit.
-
Kantahin ang “Ako ay Mahal ng Ama sa Langit,” (Aklat ng mga Awit Pambata, 16–17).
-
Ikuwento o isulat ang isang mabuting bagay na nangyari ngayon.
-
Basahin ang Doktrina at mga Tipan 78:19.
-
Banggitin ang isang bagay na gusto mo tungkol sa sarili mo.
-
Magdrowing ng isang bagay na pinasasalamatan mo.