2023
Ang Pagpili sa Soccer
Pebrero 2023


Isinulat Mo

Ang Pagpili sa Soccer

Larawan
An 8 year old boy thinking about two scenarios. 1. Playing soccer on Sunday 2. Going to church on Sunday.

Gustung-gusto kong maglaro ng soccer sa school team ko. Pero hindi ako makapunta sa marami sa mga laro dahil araw ng Linggo ang mga iyon. Gusto kong panatilihing banal ang araw ng Sabbath.

Isang araw itinanong ng coach ko kung bakit hindi ako nagpupunta sa mga laro sa araw ng Linggo. Ipinaliwanag ko na miyembro ako ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Sinabi ko sa kanya na ang Linggo ay espesyal na araw para sa akin. Ginagawa ko lang ang mga bagay na tumutulong sa akin na alalahanin si Jesucristo at mas mapalapit sa Kanya. Kalaunan ay sinabi ng coach na may laro sa susunod na Linggo. Sinabi ko sa kanya na hindi ako makakapunta sa laro. Sinabi ng coach na ayos lang iyon at huwag akong mag-alala.

Pagkaraan ng ilang minuto tinawag ng coach ang pansin ng lahat. Nalipat na ng Sabado ang laro! Napakasaya ko.

Pagkatapos ng praktis, lumapit ang isang batang lalaki at nagsabing, “Maraming salamat!” Tinanong ko siya kung bakit niya ako pinasalamatan. Sabi niya, “Nagsisimba rin ako tuwing Linggo. Nagpapasalamat ako na sinabi mo sa coach ang mga paniniwala mo. Hindi rin sana ako makakapunta sa laro.” Pagkaraan ng araw na iyon, naging mabuting magkaibigan kami ng bata.

Mula sa karanasang ito nagkaroon ako ng bagong kaibigan at ng pagkakataong magpunta sa laro. Nang sumunod na taon, naging captain ako ng soccer team ng aking paaralan. Pero ang pinakamagandang natutuhan ko ay ang palaging maging tapat sa Panginoon. Kung tapat ako kay Jesucristo, lagi Niya akong pagpapalain.

Larawang-guhit ni Josh Talbot

Print