Hello mula sa Sweden!
Alamin ang tungkol sa mga anak ng Ama sa Langit sa buong mundo.
Ang Sweden ay isang bansa sa Northern Europe. Mga 10.5 milyong tao ang naninirahan doon.
Pagsisimba
Maraming tao sa Sweden ang sumasakay ng tren para makapunta sa mga lugar, pati na kapag nagsisimba sila.
Kalagitnaan ng Summer
Ang kalagitnaan ng summer ay isa sa mga pinakamalaking pista-opisyal sa Sweden. Ito ang tanda ng pagsisimula ng summer. Ang mga tao ay nagsusuot ng mga koronang bulaklak, nagkakantahan, nagkakainan, at nagsasayawan sa paligid ng isang posteng may dekorasyon.
Kahanga-hangang mga Kagubatan
Mga dalawang-katlo ng Sweden ay kagubatan!
Mga Wikang Gamit ng Kalapit na mga Bansa
Ang Sweden, Denmark, at Norway ay magkakalapit na bansa na magkakatulad ang mga wika. Maraming nagsasalita ng Swedish ang nakakaunawa rin ng Danish at Norwegian.
Stockholm Sweden Temple
Ang magandang templong ito ay natapos noong 1985. Noong 1995, inilibot ni Pangulong Thomas S. Monson sa bakuran ang hari at reyna ng Sweden.