2023
Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin para sa Maliliit na Bata
Pebrero 2023


Bagong Tipan

Aktibidad sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin para sa Maliliit na Bata

Larawan
A young boy saying a prayer.

Para sa Mateo 4; Lucas 4–5

Kausapin ang inyong mga musmos tungkol sa mga paraan ng pagpili ng tama, tulad ng pagbabahagi at paggamit ng mabubuting salita. Sama-samang basahin ang “Masusunod Ko si Jesus sa Pagpili ng Tama” sa pahina 44.

Para sa Juan 2–4

Ipaliwanag na nais ng ating Ama sa Langit na sundin at tulungan natin ang ating mga magulang. Hilingin sa inyong mga musmos na tulungan kayo sa isang gawaing-bahay, tulad ng pagtatabi ng mga laruan o paghuhugas ng mga pinggan. Pasalamatan sila sa pagtulong sa inyo!

Para sa Mateo 5; Lucas 6

Sabihin sa inyong mga musmos na masaya tayo kapag pinipili natin ang tama tulad ng ginawa ni Jesus. Magsabit ng isang papel na may nakadrowing na smiley face. Magdagdag ng isang smiley face tuwing gumagawa ng isang “masayang” pagpili ang inyong mga musmos.

Para sa Mateo 6–7

Ipaliwanag sa inyong mga musmos na kapag nagdarasal tayo, nagpapasalamat tayo para sa mga pagpapala at humihiling ng mga bagay na kailangan natin. Ipakita sa kanila kung paano yumuko, humalukipkip, at pumikit. Pagkatapos ay tulungan silang manalangin.

Print