2023
Naroon ba ang Diyos?
Pebrero 2023


Kaibigan sa Kaibigan

Naroon ba ang Diyos?

Mula sa isang interbyu kay Richard Romney.

Full spread with fun maze designed to help illustrate the journey of a man who traveled from Tonga to the Temple in New Zealand.  Here’s roughly the journey llustrated in the maze: 1. Family getting ready to leave Tonga Sailed from Tonga to Fiji and encountered a storm (members sang on the ship). 2. On Fiji, had to ride a bus to the airport. 3. Then traveled on a plane to New Zealand. 4. Then another 2-hour bus ride to get to the Hamilton New Zealand Temple. 5. Family standing before the Hamilton New Zealand Temple. Included, other scenes at the end of pathways that don’t lead to the New Zealand temple, fun South Pacific Island items, ocean icons. Elder Sikahema was only 5 years-old when he traveled with this family to the temple.

Noong limang taong gulang ako, naglakbay ang pamilya namin mula sa Tonga papuntang New Zealand para mabuklod sa templo. Una, naglayag kami mula Tonga papuntang Fiji. Nagkantahan sa buong biyahe ang mga miyembro ng Simbahan na kasama naming naglakbay. Dumating ang isang bagyo. Mas malaki ang mga alon kaysa sa barkong sinasakyan namin! Nang lumakas ang bagyo, lalo naming nilakasan ang pagkanta. Sa wakas ay lumipas ang bagyo.

Nang makarating kami nang ligtas sa Fiji, kinailangan naming sumakay ng bus papunta sa airport. Pagkatapos ay sumakay kami ng eroplano papuntang New Zealand.

Nang makalapag ang eroplano sa New Zealand, dalawang oras pa kaming nagbiyahe sakay ng bus. Malamig ang umagang iyon at mababa ang mga ulap. Nag-uusap ang lahat ng sakay ng bus. Ang ingay! Pagkatapos ay natanaw na ang templo, at bigla, natahimik nang lubusan ang bus. Nagsilipat ang lahat sa panig na iyon ng bus para makita iyon. Akala ko tatagilid ang bus!

Iniangat ako ni Itay sa bintana ng bus para makita ko nang husto ang templo. Parang nakalutang sa mga ulap ang templo. Parang nasa langit ako.

Kahit maraming taon nang nangyari iyon, nadarama ko pa rin ang espesyal na diwang iyon ngayon. Alam namin na nakatingin kami sa bahay ng Diyos. Dati-rati, sa mga retrato lang namin iyon nakikita. Manghang-mangha kami. Naaalala ko na naisip ko, Naroon ba ang Diyos? At agad ko ring naisip na, Ito ang bahay ng Diyos. Siyempre, naroon Siya. Maaaring hindi natin Siya makita sa templo, pero alam natin na madarama natin ang Kanyang Espiritu roon.

Isang Temple Trip

Friend Magazine, 2023-02 Feb

Sundan ang maze para tulungan ang pamilya na makarating sa templo!

Larawang-guhit ni Mitch Miller