Mula sa Unang Panguluhan
Paano Magkaroon ng Kagalakan
Hango sa “Kagalakan at Espirituwal na Kaligtasan,” Liahona, Nob. 2016, 81–84.
Noong taglamig ng 1838, kinailangang lisanin ng mga miyembro ng Simbahan ang kanilang tahanan sa Missouri, USA. Napakaginaw noon, at naninigas sa lamig ang pagkain nila. Isang gabi maraming taong nanatili sa isang napakaliit na cabin. Nakaupo o nakatayo sila buong magdamag, sa pagsisikap na manatiling mainit ang pakiramdam. Ang ilan ay ginugol ang gabi sa labas malapit sa isang siga. Nagkantahan sila ng mga himno at nag-ihaw ng mga patatas. Sabi ni Sister Eliza R. Snow, “Walang narinig na reklamo—lahat ay masaya.”
Kung minsa’y parang wala tayong madamang kagalakan kapag may nangyayaring masama. Pero ang kagalakan ay nagmumula sa pagtutuon sa Tagapagligtas. Ang ating mga pagsubok ay hindi magtatagal magpakailanman. Kapag nakatuon tayo sa plano ng kaligtasan ng Diyos at kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo, makadarama tayo ng kagalakan.
Tinuruan tayo ni Jesucristo kung paano magkaroon ng kagalakan. Dumarating ang kagalakan kapag sinisikap nating sundin Siya. Maaari tayong magpasalamat sa Kanya sa panalangin. Maaari nating tuparin ang mga tipang nagawa natin sa Kanya at sa ating Ama sa Langit. Maaari nating hilingin na ipadama Niya sa atin ang Kanyang kagalakan. Kapag ginawa natin ang mga bagay na ito, mas lalong magiging tunay ang ating Tagapagligtas para sa atin. At madaragdagan ang ating kagalakan.
Masasayang Turo
Kapag sinusunod natin si Jesucristo, pinagpapala tayo maging sa mahihirap na panahon. Basahin ang ipinangako ni Jesus sa atin sa Mateo 5 at punan ang mga patlang.
-
Kapag malungkot ako …
(Mateo 5:4).
-
Kapag pinatawad ko ang isang tao …
-
Kapag isa akong tagapamayapa …
-
Kapag may nagsabi ng isang bagay tungkol sa akin na hindi totoo …