2023
Ang Nagkalat na mga Basag na Itlog
Pebrero 2023


Ang Nagkalat na mga Basag na Itlog

Gumulong ang isa pang itlog sa mesa. Plok!

Larawan
Fun story about a brother and sister rolling eggs off a table creating a huge egg mess! Illustration showing a table, falling eggs, and a messy pile of broken eggs on floor.

Umikot si Sasha sa suot niyang matingkad na kulay-rosas na palda. Iyon ang paborito niyang isuot sa simbahan. At ngayon ay oras na para sa paborito niyang bahagi sa pagsisimba. Primary!

Tinutulungan sila ng guro ni Sasha na matutuhan ang Mga Saligan ng Pananampalataya. Ngayo’y pinag-aaralan nila ang ika-13. Mahaba iyon! Pero sabi ni Sister Banda, “Alam kong kaya ninyong matutuhan ang unang bahagi. ‘Naniniwala kami sa pagiging matapat.’ Sabayan ninyo ako!”

“Naniniwala kami sa pagiging matapat,” sabi ni Sasha at ng iba pang mga bata.

Kalaunan nang linggong iyon, naglaro si Sasha at ang nakababata niyang kapatid na si Alfred sa kusina. “Naiinip ako,” sabi ni Alfred.

“Ako rin.” Pagkatapos ay nakakita si Sasha ng ilang itlog sa mesa. Mukhang magandang paglaruan ang mga iyon. “Ah, may naisip ako. Laro tayo!”

Kumuha ng isang itlog si Sasha. “Tumayo ka sa kabilang dulo ng mesa,” sabi niya kay Alfred. Pagkatapos ay pinagulong niya ang itlog papunta kay Alfred. Nagtawanan sina Sasha at Alfred. Pagewang-gewang ang itlog!

“Ikaw naman!” sabi ni Sasha.

Pinagulong ni Alfred ang itlog pabalik sa kanya. Pero sa pagkakataong ito ay hindi diretso ang paggulong ng itlog. Sa halip, lumiko ito at nahulog mula sa mesa. Plok! Bumagsak ang itlog sa sahig, at nagsanhi ng malagkit na kalat.

Pinandilatan ni Alfred si Sasha. Pagkatapos ay pareho silang napahalakhak. “Tara, ulitin natin!” sabi niya.

Kumuha ng isa pang itlog si Sasha. “Saluhin mo ito bago malaglag!” sabi niya. Pinagulong niya ang itlog nang mas malakas kaysa rati. Hindi iyon nasalo ni Alfred. Plok!

Kumuha ng dalawa pang itlog si Alfred. Pinagulong niya ang mga iyon nang mas mabilis. Hindi ito kaagad napigilan ni Sasha. Plok! Plok! Lalo pang naghagikgikan sina Sasha at Alfred.

Pagkatapos ay narinig ni Sasha na parating na si Inay. Lagot! Mapapagalitan sila!

Larawan
Fun story about a brother and sister rolling eggs off a table creating a huge egg mess! A small spot illustration showing a guilty brother and sister. Illustration showing a mom hugging her daughter and son.

Ayaw ni Sasha na magalit sa kanila si Inay. Baka puwede silang mag-imbento ng kuwento. Puwede niyang sabihin kay Inay na hindi sila ang gumawa niyon.

Pero naalala ni Sasha ang ikalabintatlong saligan ng pananampalataya. “Naniniwala kami sa pagiging matapat.”

“Ano’ng nangyari?” tanong ni Inay. Tinitigan niya ang kalat sa sahig. “Sino ang nakabasag ng mga itlog?”

Huminga nang malalim si Sasha. “Sori po, Inay. Kami po ni Alfred. Akala po namin masayang paglaruan ang mga itlog. Pero hindi po pala magandang ideya iyon. Tutulong po ako sa paglilinis.”

“Ako rin po,” sabi ni Alfred.

Niyakap ni Inay sina Sasha at Alfred. “Salamat sa pagsasabi ninyo sa akin ng totoo.”

Ngumiti si Sasha. Pagkatapos ay bumaling siya kay Alfred. “Siguro puwede tayong gumawa ng bagong laro—tungkol sa paglilinis!”

Larawan
Fun story about a brother and sister rolling eggs off a table creating a huge egg mess! A small spot illustration showing a guilty brother and sister. Illustration showing a mom hugging her daughter and son.
Larawan
Friend Magazine, 2023-02 Feb

Mga larawang-guhit ni Valentina Belloni

Print