Kaibigan
Minamahal Naming mga Batang Kaibigan
Binyag at Kumpirmasyon


“Minamahal Naming mga Batang Kaibigan,” Kaibigan, Agosto 2023, 1.

Minamahal Naming mga Batang Kaibigan,

Larawan
alt text

Umaasa kaming masisiyahan kayo sa espesyal na isyung ito ng Kaibigan. Tungkol itong lahat sa pagpapabinyag at pagpapakumpirma.

Kung kabibinyag pa lang ninyo, binabati namin kayo bilang bagong miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw!

Kapag nabinyagan kayo, tinutularan ninyo ang halimbawa ng ating Tagapagligtas na si Jesucristo. Nangangako kayong aalalahanin ang Tagapagligtas at susundin ang Kanyang mga utos. Ang mga pangakong ito ay tinatawag na mga tipan. Kapag kayo ay kinumpirma, tatanggapin ninyo ang kaloob na Espiritu Santo. Maaari kayong aliwin, gabayan, at bigyang-inspirasyon ng Espiritu Santo habambuhay.

Kung nabinyagan na kayo, hinihikayat namin kayong alalahanin ang tipang ginawa ninyo sa binyag at sikaping tularan si Jesus araw-araw.

Kung hindi pa kayo nabibinyagan, umaasa kami na maghahanda kayo sa pamamagitan ng pag-alam pa ng tungkol sa mahalagang hakbang na ito.

Labis naming ipinagmamalaki ang bawat isa sa inyo. Alam namin na binabantayan kayo ng Ama sa Langit. Mahal na mahal Niya kayo, at gayon din kami.

Ang Unang Panguluhan

Larawan
alt text
Larawan
alt text here

Print