“Pagdinig sa Espiritu Santo,” Kaibigan, Agosto 2023, 21.
Pagdinig sa Espiritu Santo
Noong nakaraang tag-init, nag-hiking ang pamilya ko. Humantong ang daan sa isang sapa. Hinubad namin ng ate ko at nakababatang kapatid na lalaki ang aming sapatos at lumusong kami sa tubig.
Nang medyo lagpas-tuhod na ang tubig, tumigil kami. Nakita namin ang isang grupo ng mga batang mas matanda sa amin na naglalaro sa mas malalim na tubig sa banda roon. Ngumiti ang ate ko at sinabing, “Punta tayo sa mas malalim!”
Pero isang tinig sa aking isipan ang nag-utos sa akin na manatili sa tabi ng nakababata kong kapatid. Alam ko na iyon ang Espiritu Santo. Sinabi ko sa kapatid ko na puwede niyang tingnan iyon, pero hindi kami sasama ng nakababata kong kapatid.
Nang bumalik ang ate ko, sinabi niya na maalon talaga ang tubig at mahirap maglakad. Nang sabihin niya iyon, nalaman ko na tama ang pasiya ko para manatili kaming ligtas ng nakababata kong kapatid.