Kaibigan
Pagtanggap ng Sakramento
Binyag at Kumpirmasyon


“Pagtanggap ng Sakramento,” Kaibigan, Agosto 2023, 33.

Pagtanggap ng Sakramento

Larawan
alt text here

Mga larawang-guhit ni Barbara Bongini

Bawat linggo, tumatanggap tayo ng sakramento. Tinutulungan tayo nitong alalahanin si Jesucristo at mangakong sundin o tularan Siya.

Bago ako tumanggap ng sakramento, maaari akong …

  • Kumanta ng himno

  • Panoorin ang paghahanda ng tinapay at tubig

  • Makinig sa mga panalangin sa sakramento

Sa oras ng sakramento, maaari kong …

  • Mapitagang tanggapin ang tinapay at tubig

  • Isipin kung ano ang ginawa ni Jesus para sa akin at kung gaano Niya ako kamahal

  • Alalahanin ang aking tipan sa binyag

Pagkatapos ng sakramento, maaari kong alalahanin at sundin o tularan si Jesus sa buong linggo sa pamamagitan ng …

  • Pagsunod sa Kanyang mga utos

  • Pagiging mabait sa iba

  • Pagsunod sa mga pahiwatig mula sa Espiritu Santo

  • Pagtatanong sa sarili ko, “Ano ang gagawin ni Jesus?”