“Maaari Kong Tularan si Jesucristo,” Kaibigan, Agosto 2023, 40–41.
Maaari Kong Tularan si Jesucristo
Naglingkod si Jesus sa iba (tingnan sa Juan 13:5, 13–17). Nakikita ko ang kailangan ng mga tao at ginagawa ko ang lahat para makatulong.
Isinama ni Jesus ang iba (tingnan sa Marcos 10:14). Maaari kong isama ang iba at kaibiganin ang mga taong nadarama na hindi sila kabilang.
Ipinagdasal ni Jesus ang iba (tingnan sa 3 Nephi 17:15–18). Maaari kong kausapin ang Ama sa Langit sa panalangin. Maaari kong hilingin sa Kanya na pagpalain din ang iba.
Pinatawad ni Jesus ang iba (tingnan sa Juan 8:11). Mapapatawad ko rin ang iba. At kapag nakagawa ako ng maling pasiya, maaari akong magsabi ng, “Sori.”
Itinuro ni Jesus ang ebanghelyo (tingnan sa Mateo 5:1–9). Maibabahagi ko ang ebanghelyo sa iba. Kaya kong magturo sa mga tao ng tungkol kay Jesus.
Si Jesus ay isang perpektong halimbawa (tingnan sa Juan 13:15). Magagawa ko ang lahat para sundin o tularan si Jesus. Magagawa ko ring maging halimbawa sa iba.