Kaibigan
Magkakasamang Sumusunod kay Jesus
Binyag at Kumpirmasyon


“Magkakasamang Sumusunod kay Jesus,” Kaibigan, Agosto 2023, 49.

Magkakasamang Sumusunod kay Jesus

alt text

Nagpasiya akong tahakin ang isang bagong landas at tularan si Jesucristo nang mabinyagan ako. Simple lang ang binyag ko pero marami akong nadama, at pakiramdam ko ay napanibago ako. Gusto kong maglingkod sa full-time mission

Happiness D., edad 9, Accra, Ghana

alt text

Sinisikap kong tularan si Jesus mula nang mabinyagan ako sa pamamagitan ng pagiging mabait sa nakababata kong kapatid na babae. Tumutulong ako sa pamamagitan ng pagtulak sa kanyang stroller. Masaya ako kapag mabait ako, at alam ko na nagpapasaya rin ito kay Jesus.

Simon P., edad 9, Massachusetts, USA

alt text

Tinutularan ko si Jesus sa pamamagitan ng pagdarasal, pagmamahal sa iba, at pagsampalataya.

Yoreli T., edad 6, Zumpango, Mexico

alt text

Sa Araw ng Pasko ay naghatid kami ng tatay ko ng pagkain sa mga taong walang tahanan. Masaya iyon! Ang pagsunod kay Jesus ay nagpapasaya sa akin.

Akari F., edad 9, Chiba, Japan

alt text

Tinutularan ko si Jesus sa pamamagitan ng pagbabasa ng aking mga banal na kasulatan at pagsunod sa Kanyang mga utos.

Luke W., edad 9, Wyoming, USA

alt text

Tinutuluran ko si Jesus sa pamamagitan ng pagmamahal sa pamilya ko at pagiging munting katulong ng nanay ko.

Chloe D., edad 4, National Capital Region, Philippines

alt text

Tuwing nagdarasal ako, nagbabasa ng mga banal na kasulatan, o gumagawa ng mabuti, masaya ako. Para itong yakap ng isang taong mahal ko. Alam ko na iyon ang Espiritu Santo

Caileen D., edad 6, National Capital Region, Philippines

alt text

Nadarama ko ang Espiritu Santo kapag dumaranas ako ng mga paghihirap. Pinagagaan nito ang pakiramdam ko.

Hunter O., edad 11, North Carolina, USA

alt text

Nadarama ko ang Espiritu Santo kapag pinapayapa ko ang aking isipan at pinipili ko ang tama. Kapag nakikinig ako sa nanay at tatay ko, nadarama ko na malapit ang Espiritu Santo.

Oliver B., edad 10, Washington, USA

alt text

Nagpapasigla at nagpapalakas ang Espiritu Santo. Nariyan ang Espiritu Santo para sa iyo kapag kailangan mo ito, kaya napakaespesyal nito.

Aisea A., edad 9, Central Division, Fiji

alt text

Pinasasaya, pinagagalak, at pinatatatag ako ng Espiritu Santo.

Hailey G., edad 7, Santa Cruz, Bolivia

alt text

Nang mabinyagan ako, gininaw ako dahil sa tubig. Nang matapos na ako, nakadama ako ng init at kalinisan. Sa pagpapabinyag, gumawa ako ng malaking hakbang patungo kay Cristo at sa ating Ama sa Langit.

Malayla S., edad 8, Yukon, Canada