“Welcome sa Simbahan!” Kaibigan, Agosto 2023, 38–39.
Welcome sa Simbahan!
Hi! Kami sina Margo at Paolo.
Gusto mo bang sumama sa aming magsimba?
Ipapakita namin sa iyo kung ano ang nangyayari doon.
At ang lahat ng bagay na magagawa mo!
Sa simbahan, maaari kang tumanggap ng sakramento.
Maaari mong isipin si Jesucristo at ang nagawa Niya para sa iyo.
Maaari kang matuto tungkol sa ebanghelyo.
Maaari kayong manalangin nang magkakasama.
Maaari kang magtanong.
Maaari kang kumanta ng mga awitin.
Maaari mong ibahagi ang nadarama mo o ang alam mong totoo.
Maaari kang magkaroon ng mga bagong kaibigan at tumulong na ipadama sa iba na tanggap sila.
Maaari mong madama na malapit ka kay Jesucristo.
At maaari mo ring anyayahan ang iba na malaman pa ang tungkol sa Kanya!