“Ang Aking Tipan sa Binyag,” Kaibigan, Agosto 2023, 10–11.
Ang Aking Tipan sa Binyag
Ang tipan ay isang pangakong ginagawa natin sa Ama sa Langit. Magbasa tungkol sa tatlong bagay na ipinapangako nating gawin kapag bininyagan tayo. Pagkatapos ay isulat kung ano ang magagawa mo para matupad ang iyong tipan sa binyag!
Laging Aalalahanin si Jesucristo
“Lagi siyang aalalahanin” (Moroni 4:3).
Nang makita ni Elena na masungit ang iba sa isang tao, naisip niya kung ano ang gagawin ni Jesus.
Paano ko maaalala si Jesus: __________
Sundin ang Kanyang mga Kautusan
“[Sundin] ang kanyang mga kautusan” (Moroni 4:3).
Pinili ni James na hindi panoorin ang isang video na may masasamang pananalita at larawan.
Isang kautusang maaari kong sundin: __________
Taglayin sa Inyong Sarili ang Kanyang Pangalan
“Taglayin sa [inyong] sarili ang pangalan [ni Jesucristo]” (Moroni 4:3).
Sinabi ni Nana sa kanyang kaibigan na kabilang siya sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.
Ang ibig sabihin sa akin ng taglayin sa ating sarili ang Kanyang pangalan: __________
Pagtupad sa Aking Tipan
Narito ang ilan pang mga paraan na maaari mong tuparin ang iyong tipan sa binyag.
Tumulong sa mga Tao
“Magpasan ng pasanin ng isa’t isa, nang ang mga yaon ay gumaan” (Mosias 18:8).
Tinulungan ni Akio ang kanyang nakababatang kapatid na lalaki sa math homework nito.
Sino ang maaari kong tulungan: __________
Magsisi Kapag Nakakagawa Ka ng Mali
“Magsisi at isilang na muli” (Alma 5:49).
Matapos magsabi si Isa ng isang bagay na hindi maganda sa kanyang kapatid, nagdasal siya sa Ama sa Langit. Pagkatapos ay humingi siya ng tawad sa kanyang kapatid.
Paano ako maaaring magsisi: __________
Aliwin ang Iba
“Aliwin yaong mga nangangailangan ng aliw” (Mosias 18:9).
Binisita ni Lucas ang kanyang kaibigan na namatayan ng lolo.
Paano ko maaaring aliwin ang isang tao: _________________________