Kaibigan
Kapangyarihan sa Aklat ni Mormon
Enero 2024


“Kapangyarihan sa Aklat ni Mormon,” Kaibigan, Ene. 2024, 2–3.

Mula sa Unang Panguluhan

Kapangyarihan sa Aklat ni Mormon

Hinango mula sa “Ang Aklat ni Mormon: Ano Kaya ang Buhay Ninyo Kung Wala Ito?” Liahona, Nob. 2017, 60–63; at “Pakikibahagi ng Kababaihan sa Pagtitipon ng Israel,” Liahona, Nob. 2018, 68–70.

alt text

Kapag naiisip ko ang Aklat ni Mormon, naiisip ko ang salitang kapangyarihan. Ang mga katotohanan ng Aklat ni Mormon ay may kapangyarihang pagalingin, panatagin, palakasin, at pasayahin ang ating kaluluwa.

Ang Aklat ni Mormon ay …

  • Isa pang tipan ni Jesucristo. Maraming propetang sumulat dito ang nakakita kay Jesucristo. Kasama sa Aklat ni Mormon ang kanilang mga patotoo tungkol sa Kanya.

  • Isang tala ng Kanyang ministeryo sa mga taong nanirahan sa sinaunang Amerika noong araw.

  • Totoo!

Inaanyayahan ko kayong basahin ang Aklat ni Mormon. Habang nagbabasa kayo, hinihikayat ko kayong markahan ang bawat talatang bumabanggit sa Tagapagligtas. Mas mapapalapit kayo sa Kanya sa prosesong ito. At magsisimulang mangyari ang mga pagbabago, pati na ang mga himala.

Paghahanap kay Jesus sa Aklat ni Mormon

alt text

Inanyayahan tayo ni Pangulong Nelson na hanapin ang pangalan ni Jesucristo habang binabasa natin ang Aklat ni Mormon. Maraming pangalan si Jesus sa mga banal na kasulatan. Narito ang ilan na maaari mong hanapin!

PDF ng Kuwento

Kaliwa: Isa-isa ni Walter Rane; kanan: larawang-guhit ni Apryl Stott