“Makinig sa Espiritu Santo,” Kaibigan, Ene. 2024, 17.
Masasayang Bagay
Makinig sa Espiritu Santo
Gawin ang aktibidad na ito sa inyong pamilya para matuto tungkol sa Espiritu Santo.
-
Pumili ng isang taong gaganap na “finder.” Lalabas ng kuwarto ang taong iyon habang ang iba ay magtatago ng isang bagay tulad ng isang bato o laruan.
-
Ibalik ang finder sa silid.
-
Bubulungan ng isang tao ang finder para ipaalam dito kung nasaan ang nakatagong bagay. Magsasalita naman ang iba sa normal o malalakas na boses para guluhin sila.
-
Kapag nahanap ng tao ang bagay, pumili ng ibang tao na magiging finder.
Pag-usapan kung paano nangungusap sa inyo ang Espiritu Santo sa mga ideya sa inyong isipan at damdamin sa inyong puso. Magagabayan at matutulungan Niya kayong gumawa ng mabubuting pasiya. Kapag sinusunod ninyo ang mga ideya at damdaming iyon mula sa Kanya, makadarama kayo ng kagalakan at kapayapaan.
Oras para sa Meryenda
Gumawa ng fruit-slice “cookies” na makakain ninyo ng inyong pamilya! Hiwain nang maninipis ang isang mansanas o peras. Pagkatapos ay lagyan ng toppings na tulad ng peanut butter, pulot, mani, chocolate chips, o coconut flakes.