Kaibigan
Isang Pakikipag-chat kay Eilish tungkol sa Espiritu Santo
Enero 2024


“Isang Pakikipag-chat kay Eilish tungkol sa Espiritu Santo,” Kaibigan, Ene. 2024, 40–41.

Isang Pakikipag-chat kay Eilish tungkol sa Espiritu Santo

Si Eilish ay 12-anyos na batang babae mula sa Silangang Rehiyon ng Singapore. Tinanong namin siya kung paano siya tinutulungan ng Espiritu Santo.

Magkuwento ka sa amin tungkol sa sarili mo.

alt text
alt text
alt text

Gusto ko talagang magbasa at maglaro ng volleyball, at ang paborito kong subject sa paaralan ay math. Ang paborito kong pagkain ay lasagna, at ang paborito kong kulay ay pula. Paglaki ko, inaasam kong maging abugado at magtrabaho sa korte.

Ano ang pakiramdam mo tungkol sa Espiritu Santo?

Para sa akin, ang Espiritu Santo ay parang isang malapit na kaibigan na kasama ko. Pakiramdam ko isa Siyang taong maaasahan ko kapag sinusunod ko ang mga kautusan at ang aking mga tipan sa Ama sa Langit. Itinuturing ko Siyang gabay at kompanyon ko. Matutulungan Niya akong gumawa ng mabubuting pasiya.

Anong payo ang ibibigay mo sa isang taong hindi sigurado kung nadama niya ang Espiritu Santo?

alt text

Kung minsan hindi ako sigurado kung nadarama ko ang Espiritu Santo. Pero kung talagang iisipin mo, magbabasa ka ng mga banal na kasulatan, at magdarasal, at maganda ang pakiramdam mo tungkol dito, iyan ang Espiritu Santo. Kung minsan ang pagdinig sa Espiritu Santo ay hindi lamang isang damdamin. Maaari din itong maging isang kaisipan o ideya. Kung nalilito ka pa rin, maaari kang magdasal palagi at huminging muli ng tulong sa Panginoon.

Kailan mo nadama ang Espiritu Santo?

alt text

Noong isang taon, naglaro ako sa isang volleyball tournament. Tulad ng karamihan sa mga kateam ko, kabado ako. Nang magsimula akong maglaro, natalo na ang team namin sa unang dalawang laro. Pinanghinaan kami ng loob. Pagkatapos ay may sinabing hindi maganda ang mga taong nanonood sa laro, at lalong sumama ang pakiramdam namin. Natalo kami.

Nang tanungin ako ng nanay ko tungkol sa laro, nagsimula akong umiyak. Lungkot na lungkot ako. Nagpunta ako sa kuwarto ko, kung saan maganda at tahimik, at nagdasal ako. Pagkatapos kong magdasal, mas kumalma ako at mas napayapa ang puso ko. Nalaman ko na napanatag ako ng Espiritu Santo at na lagi Niya akong tutulungan. Sa isa pang paparating na tournament ngayong taon, alam ko na sasamahan Niya ako habang naglalaro ako.

alt text

Paano ka pa natulungan ng Espiritu Santo?

alt text

Tinulungan din ako ng Espiritu Santo nang lumipat ako sa Young Women mula sa Primary. Natuwa ako noon na lumipat sa Young Women. Pero kinabahan din ako nang kaunti. Medyo nalungkot akong lisanin ang Primary.

Bago ang unang klase ko, nagdasal ako at hiniling ko sa Ama sa Langit na tulungan akong masiyahan sa Young Women. Nakadama ako ng kapayapaan sa puso ko nang pumasok ako sa bago kong silid-aralan. Handa na akong matuto. Nakatulong na alalahanin na laging nariyan ang Espiritu Santo para sa akin!

PDF ng Kuwento

Mga larawang-guhit ni Annabel Tempest