“Ikonekta ang mga Banal na Kasulatan,” Kaibigan, Ene. 2024, 39.
Masasayang Bagay
Ikonekta ang mga Banal na Kasulatan
Gaano ang alam mo sa kuwento tungkol kay Nephi at sa mga laminang tanso? Lagyan ng sunud-sunod na numero ang mga pangungusap sa ibaba ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga ito sa kuwento. Pagkatapos ay hanapin ang mga katugmang kulay at lagyan ng numero ang mga tuldok. Gumuhit ng mga linya para ikonekta ang mga tuldok batay sa pagkakasunod-sunod ng mga numero para makumpleto ang larawan. (Tingnan ang 1 Nephi 3 at 4 para sa tulong.)
-
Sinabi ni Lehi kay Nephi at sa kanyang mga kapatid na kunin ang mga lamina mula kay Laban.
-
Sinabi ni Laban na hindi niya ibibigay kay Laman ang mga laminang tanso.
-
Hiningi ni Laman kay Laban ang mga lamina.
-
Pinili ni Zoram na sumama sa pamilya ni Nephi papunta sa ilang.
-
Kinuha ni Laban ang ginto pero hindi ibinigay ang mga laminang tanso.
-
Bumalik si Nephi, ang kanyang mga kapatid, at si Zoram kina Lehi at Saria na dala-dala ang mga lamina.
-
Inalok ni Nephi at ng kanyang mga kapatid ng ginto si Laban para makuha ang mga lamina.
-
Inutusan ng Panginoon si Nephi na patayin si Laban at kunin ang mga lamina.
-
Ginabayan ng Espiritu Santo si Nephi papunta sa bahay ni Laban.