Kaibigan
Mga Temple Card
Enero 2024


“Mga Temple Card,” Kaibigan, Ene. 2024, 22.

Mga Temple Card

Ano ang mga Templo?

Larawan
PDF ng Kuwento

Mga larawang-guhit ni Bailey Rees

Ang mga templo ay magagandang gusali kung saan madarama natin na mas malapit tayo sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Bawat templo ay may nakasulat na mga salitang “Ang Bahay ng Panginoon.” Ipinapaalala nito sa atin na ang templo ay banal at naiiba sa iba pa sa mundo. Nangako ang mga propeta na maaari tayong makadama ng kapayapaan sa loob ng templo.

Bangkok Thailand Temple

  • Ito ang unang templo sa Thailand.

  • Ito ay anim na palapag ang taas, na may siyam na mga tore.

  • Noong itinatayo ang templo, muntik nang bahain iyon ng bagyo. Pero tinulungan ng Espiritu Santo ang project leader na malaman ang gagawin.

San José Costa Rica Temple

  • Ito ang pangalawang templong itinayo sa Central America.

  • Gawa ito sa magandang puting marmol mula sa Mexico.

  • Ang templo ay mga isang-oras ang layo mula sa isang aktibong bulkan.

Print