Kaibigan
Hello mula sa Thailand!
Enero 2024


“Hello mula sa Thailand!” Kaibigan, Ene. 2024, 8–9.

Hello mula sa Thailand!

Alamin ang tungkol sa mga anak ng Ama sa Langit sa buong mundo.

Ang Thailand ay isang bansa sa Southeast Asia. Mga 72 milyong tao ang naninirahan doon.

Wika

alt text

Thai ang opisyal na wika ng bansa. Ang alpabetong Thai ay may 72 character.

Songkran Festival

alt text

Ipinagdiriwang ng mga tao sa Thailand ang kanilang bagong taon sa pinakamalaking sabuyan ng tubig sa mundo. Sinasabuyan nila ng tubig ang isa’t isa para maalalang hugasan ang masasamang bagay. Tumatagal ito nang tatlong araw!

Tiger Cave

alt text

Ang Tiger Cave Temple ay isang Buddhist temple kung saan sumasamba at nagdarasal ang maraming tao. Para makarating doon, kailangan mong akyatin ang 1,260 baitang papunta sa taas ng isang bundok. May mga bakas ng paa ng tigre sa loob ng kuweba!

Mga Palengkeng Nakalutang sa Tubig

alt text

Sa Thailand, maaaring mamili ang mga tao sa mga bangka sa ilog, tulad ng maliliit na tindahang nakalutang sa tubig. Ang mga ilog ay isang paraan ng paglalakbay sa paligid ng kabisera ng lungsod. Maraming gusali na nakapatong sa mga nakatayong poste para manatili ang mga ito sa ibabaw ng tubig.

PDF ng Kuwento

Mga larawang-guhit ni Mackinzie Rekers