Kaibigan
Mga Aktibidad para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Enero 2024


“Mga Aktibidad para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin,” Kaibigan, Ene. 2024, 28–29.

Mga Aktibidad para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Para sa home evening o pag-aaral ng mga banal na kasulatan—o para lang sa paglilibang!

Enero 1–7

Ang Iyong Patotoo

Alt text

Mga larawang-guhit ni Katy Dockrill

Para sa Pambungad na mga Pahina ng Aklat ni Mormon

Ang Aklat ni Mormon ay unang isinulat sa mga laminang ginto. Isinulat ng mga taong nakakita sa mga lamina na alam nila na ito ay totoo (tingnan sa Patotoo ng Tatlong Saksi at sa Patotoo ng Walong Saksi). Isulat o idrowing ang sarili mong patotoo tungkol sa Aklat ni Mormon at ilagay ito sa iyong banal na kasulatan.

Enero 8–14

Pagbabahagi ng Kayamanan

alt text

Para sa 1 Nephi 1–5

Ang mga banal na kasulatan ay isang malaking kayamanan (tingnan sa 1 Nephi 5:21). Magdrowing ng ilang hugis ng hiyas sa papel at gupitin ang mga ito. Sabihin sa bawat tao na sulatan ng isang talata sa Aklat ni Mormon ang mga hiyas. Paghaluin ang mga hiyas at maghalinhinan sa pagpili ng isa at pagbasa sa bawat talata.

Enero 15–21

Malinaw at Mahalagang mga Lamina

alt text

Para sa 1 Nephi 6–10

Pinagawa ng Panginoon si Nephi ng isa pang set ng mga lamina para sa isang espesyal at matalinong layunin (tingnan sa 1 Nephi 9). Gumawa ng sarili mong set ng mga lamina mula sa nakatuping papel o mga piraso ng karton. (Maaari mo pa ngang balutan ng aluminum foil ang iyong papel o karton!) Isulat o idrowing sa iyong mga lamina ang natututuhan mo mula sa Aklat ni Mormon.

Enero 22–28

Pagmamahal ng Diyos

alt text

Para sa 1 Nephi 11–15

Basahin ang kuwento sa banal na kasulatan tungkol sa panaginip ni Lehi sa pahina 26. Ngayo’y magdrowing ng isang puno. Sabihin sa bawat miyembro ng pamilya na magdagdag ng isang dahon sa puno at magsabi ng isang bagay na naibigay sa atin ng Ama sa Langit na nagpapakita na mahal Niya tayo.