Kaibigan
Pagsunod kay Jesus sa Thailand
Enero 2024


“Pagsunod kay Jesus sa Thailand,” Kaibigan, Ene. 2024, 6–7.

Pagsunod kay Jesus sa Thailand

Kilalanin si Panya

alt text

Paano Sinusunod ni Panya si Jesus

Inanyayahan ni Panya ang pinsan niya na sumama sa kanya na magsimba. Kapag dumarating ito, ipinadarama ni Panya rito na tanggap siya. Tinutulungan niya itong makilala ang iba pang mga bata sa Primary at makipagkaibigan.

Sa bahay, tumutulong si Panya sa pamamagitan ng paglilinis ng kanyang lunchbox at sapatos. “Masaya ako kapag tumutulong ako,” sabi ni Panya. Nakatira siya sa tita at lola niya, at gustung-gusto niyang tumulong sa kanila. Itinutupi rin niya ang kanyang kumot tuwing umaga.

Pumanaw ang nanay ni Panya kailan lang. Kapag nangungulila si Panya sa nanay niya, tinutulungan siya ng tita niya na magdasal sa Ama sa Langit. Nadarama niya na may nagmamahal sa kanya matapos magdasal. “Kapag nagdarasal ako, pakiramdam ko ay kasama ko si Jesus,” sabi niya.

alt text

Si Panya kasama ang kanyang lola at tita.

Tungkol kay Panya

alt text

Edad: 7

Mula sa: Nonthaburi, Thailand

Wika: Thai

Mithiin: Maging interior designer at magdekorasyon ng mga kuwarto sa mga bahay at gusali

Mga Libangan: Magsayaw, magbisikleta, mag-aral na tumugtog ng piyano, lumangoy, magbasa, at taekwondo

Pamilya: Panya, tita, at lola

Mga Paborito ni Panya

Kuwento ni Jesus: Noong bininyagan Siya (tingnan sa Mateo 3:13–17)

Holiday o tradisyon ng pamilya: Pasko at mga pagbiyahe ng pamilya

Prutas at gulay: Mga berdeng ubas at pipino

Kulay: Lila

Awitin sa Primary: “Templo’y Ibig Makita” (Aklat ng mga Awit Pambata, 99)

PDF ng Kuwento