“Ano ang Nasa Isip Mo?” Kaibigan, Enero 2024, 42.
Ano ang Nasa Isip Mo?
Kapag nagtatakda ako ng mga mithiin, sa huli ay nalilimutan ko ang mga iyon. Paano ko makakamtan ang aking mga mithiin?
—Pagkakamit sa Reykjavík
Mahal na Pagkakamit,
Huwag kang mag-alala: Pagdating sa pagtatakda at pagkalimot sa mga mithiin, hindi ka nag-iisa. Maraming taong nakakaranas nito. Mahusay tayong lahat sa paggawa ng mga mithiin. Ang totoo, ang pagkakamit ng mga mithiing iyon—iyon ang mahirap. Narito ang ilang ideyang makakatulong!
Nagmamahal,
Ang Kaibigan
-
Mangarap nang matayog pero magsimula sa mababa. Magandang hamunin ang sarili mo. Pero tandaan na malaki rin ang nagagawa ng mabababang mithiin. “Sa pamamagitan ng maliliit at mga karaniwang bagay ay naisasakatuparan ang mga dakilang bagay” (Alma 37:6).
-
Tukuyin ito. “Tutulong ako sa bahay.” OK ang mithiing ito, pero medyo malabo ito. “Tutulong ako sa tahanan sa pamamagitan ng pagliligpit ng mga gamit ko araw-araw.” Maganda ang mithiing ito. Tukoy ito. Isang plano.
-
Ibahagi ang iyong mithiin. Banggitin ang iyong mithiin sa isang magulang, guro, o kaibigan. Hilingin sa kanila na suportahan ka. Kung minsan ang pagkakaroon ng isang taong nangungumusta at naghihikayat sa iyo ang siyang nagbibigay sa iyo ng lakas-ng-loob na kailangan mo.
-
Gumawa ng mga paalala. Kung gusto mong maalala ang iyong mga mithiin, isulat ang mga iyon. Maglagay ng kopya ng iyong mga mithiin kung saan mo makikita ang mga iyon araw-araw. Gawing makulay iyon at maging malikhain!
-
Manampalataya. “Kailangan nating manampalataya sa Diyos,” sabi ni Pangulong M. Russell Ballard. “Kailangan nating manampalataya sa Panginoong Jesucristo. At, ah, kailangang-kailangan nating magtiwala sa ating sarili.”* Magagawa mo iyan! Tutulungan ka ng Diyos.