“Kumonekta,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Hul. 2021, loob ng pabalat sa harapan.
Kumonekta
Orin S.
17, British Columbia, Canada
Naglayag kami ng pamilya ko at hindi nakakita ng lupa nang mahigit sa tatlong linggo. Matapos ang unang dalawang linggo, naranasan namin ang isang malakas na bagyo. Nabali ang layag namin sa hangin, at binayo ng mga alon ang kubyerta, na nagpalubog sa harapan ng bangka. Higit sa lahat, halos wala na kaming mainom na tubig—kaya kung makaligtas man kami sa bagyo, poproblemahin pa rin namin iyon.
Nagsiksikan ang pamilya namin sa nag-iisang tuyong bahagi ng bangka at nagdasal nang halos isang oras. Hindi ko alam kung makaliligtas kami sa gabing iyon, pero alam ko na anuman ang mangyari, makakasama ko ang aking pamilya dahil nabuklod na kami.
Nang matapos namin ang panalangin, nakita namin na humina na ang hangin at humupa na ang mga alon. Hindi nagtagal pagkatapos niyon, nagsimulang bumuhos ang ulan, na bihirang-bihira sa bahaging iyon ng karagatan. Ginamit namin ang isang trapal upang punuin ang aming mga tangke at mahimalang nagkaroon ng sapat na tubig upang matapos ang paglalayag o biyahe.
Ipinakita sa akin ng karanasang iyon kung gaano kabisa ang panalangin at kung gaano kalaki ang malasakit sa atin ng Ama sa Langit. Kapag ginugunita ko ang bagyong iyon, alam ko na ang ebanghelyo ay tunay at totoo.