“Ano ang kalagayan sa kahariang seletiyal?” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Hul. 2021, 31.
Tuwirang Sagot
Ano ang kalagayan sa kahariang seletiyal?
Bagamat maaaring wala sa atin ang lahat ng detalye tungkol sa kahariang selestiyal, inihayag ng Panginoon ang ilang makapangyarihang katotohanan tungkol dito. Narito ang ilang bagay na nalalaman natin:
-
Ang ibig sabihin ng mamuhay roon ay makapiling ang Ama sa Langit at si Jesucristo na may perpekto at nabuhay na mag-uling katawan at ipamuhay ang uri ng buhay na mayroon Sila. Ang buhay na ito ay isang “kalagayan ng walang katapusang kaligayahan” (Mosias 2:41) at “kaganapan ng kagalakan” (3 Nephi 28:10).
-
Ang mga nakatira doon ay “ginawang ganap sa pamamagitan ni Jesus,” at “lahat ng bagay ay kanila” (Doktrina at mga Tipan 76:59, 69).
-
Ito ang may pinakadakilang kaluwalhatian sa lahat ng kaharian. Ang kaluwalhatian nito ay inihahalintulad sa liwanag ng araw.
-
Ang mga uri ng ugnayan na mayroon tayo rito ay iiral din doon, kabilang na ang mga ugnayan ng pamilya, ngunit ang mga ito ay “may kakabit na walang-hanggang kaluwalhatian” (Doktrina at mga Tipan 130:2).
-
Ito ay may tatlong antas. Ang pinakamataas na antas ay ang lugar kung saan nakatira ang mga tao na nabuklod sa walang-hanggang kasal at naging tapat sa kanilang mga tipan (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 131:1–4).
-
Ang mundo ay makakatanggap ng selestiyal na kaluwalhatian (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 88:17–20).