2021
Pagtupad sa Ating mga Pangako
Hulyo 2021


“Pagtupad sa Ating mga Pangako,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Hul. 2021, 32.

Panghuling Salita

Pagtupad sa Ating mga Pangako

Larawan
batang lalaking nagbabalik ng walet, batang babaeng may sertipiko, at batang lalaking umaakyat ng bundok

Mga paglalarawan ni Emily Davis

Isang gabi noong aking kabataan, umupo kami ng aking nanay sa paanan ng kanyang higaan at nagsalita siya nang taimtim hinggil sa kahalagahan ng pagsunod sa Word of Wisdom. Tumingin siya sa aking mga mata at nadama ko na tumimo ang kanyang mga salita sa aking puso: “Ipangako mo sa akin, Ronnie, ngayon, na palagi mong susundin ang Word of Wisdom.” Taimtim akong nangako sa kanya, at tinupad ko ito sa paglipas ng mga taon.

Maaga rin akong nagdesisyong sundin ang mga batas ng Diyos, at hindi ko kinailangang ulitin ito kailanman. Sinabi ng Panginoon, “Ako, ang Panginoon, ay nakatali kapag ginawa ninyo ang aking sinabi; subalit kapag hindi ninyo ginawa ang aking sinabi, kayo ay walang pangako” (D at T 82:10).

Bilang Apostol ng Panginoong Jesucristo, inaanyayahan ko kayo na isipin ang mga pangako at tipan na ginagawa ninyo sa Panginoon, at sa iba, nang may malaking integridad, nalalaman na ang inyong salita ang nagbibigkis sa inyo. Ipinapangako ko sa inyo na kapag ginawa ninyo ito, itataguyod ng Panginoon ang inyong mga salita at babasbasan ang inyong mga gawa habang nagsisikap kayo nang may walang kapagurang pagsusumigasig na patatagin ang inyong mga buhay, inyong mga pamilya, at Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Sasamahan Niya kayo, at maaari kayong magtiwala na kayo ay “tatanggapin sa langit upang doon [kayo] ay manahanang kasama ng Diyos sa kalagayan ng walang katapusang kaligayahan” (Mosias 2:41).

Print