“Ang Pangitain,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Hul. 2021, 16–17. Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin Ang Pangitain Ni Paul B. Murphy, inilarawan ni Lance Fry Doktrina at mga Tipan 76 Matapos isalin ang Aklat ni Mormon, inutusan ng Panginoon si Joseph na gawan ng rebisyon ang Biblia. Habang binabasa niya ang Biblia, binigyang-inspirasyon ng Panginoon si Joseph na gumawa ng ilang pagbabago. Hiniling ni Joseph sa mga tagasulat na tulungan siya. Naantala ang gawain nang utusan ng Panginoon ang mga banal na lumipat sa Ohio. Matapos lumipat sa Ohio, muling sinimulan ni Joseph ang kanyang mga rebisyon kasama si Sidney Rigdon na tumulong bilang tagasulat. “Kailangan nating ipagpatuloy ang ating gawain sa Biblia.” Noong Pebrero 16, 1832, nirerebisa nina Joseph at Sidney ang Aklat ni Juan sa Bagong Tipan. “… sila na gumawa ng mabuti, sa pagkabuhay na mag-uli ng mabubuti; at sila na gumawa ng masama, sa pagkabuhay na mag-uli ng masasama.” “Ano ang ibig sabihin nito?” Isang pambihirang pangitain ang nabuksan sa kanila. Nakita nila si Jesucristo at ang Ama sa Langit. Nalaman din nila na may tatlong kaharian sa langit. Ipinakita sa kanila na unang mabubuhay na mag-uli ang mga magmamana ng kahariang selestiyal. “Sila ang mga ito na … ginawang ganap sa pamamagitan ni Jesus.” Nang matapos ang pangitain, namangha sila. Pagod na si Sidney. “Si Sidney ay hindi gaya ko na sanay sa bagay na ito.”