2021
Masayang Bahagi
Hulyo 2021


“Pahina ng Katuwaan,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Hulyo 2021, 28–29.

Pahina ng Katuwaan

Larawan
Pahina ng Katuwaan

Oras na para sa Maze Party

Kailangang makarating ang tatlong magkakapatid na ito sa bayan para maipamigay ang mga imbitasyon para sa party ng ika-90 kaarawan ng lola nila. Matutulungan ba ninyo silang mahanap ang tatlong landas sa maze na hahantong sa bawat bahay na may pulang bubong nang hindi dumaraan ang dalawang magkapatid sa parehong kalye?

Quiz tungkol kay Pangulong Nelson

Tingnan kung gaano kahusay ninyong masasagutan ang tama o maling quiz na ito tungkol kay Pangulong Russell M. Nelson.

Tama o Mali?

  1. Para matulungan ang kanyang mga magulang na hindi aktibong mga miyembro ng Simbahan na ipamuhay ang Word of Wisdom, binasag niya ang bawat bote ng alak ng kanyang mga magulang at itinapon ang laman nito sa lababo.

  2. Siya ay isang surgeon sa utak.

  3. Tumulong siyang mabuo ang heart-lung machine.

  4. Isinagawa ni Pangulong Nelson ang unang operasyon sa puso sa Utah.

  5. Siya ay may siyam na anak na lalaki at isang anak na babae.

  6. Perpekto niyang natutugtog at naaawit nang walang kopya ang lahat ng marinig niya.

  7. Inoperahan niya sa puso si Elder Spencer W. Kimball, na kalaunan ay naging Pangulo ng Simbahan.

  8. Muntik na siyang malunod sa isang rafting trip ng pamilya.

  9. Noon pa niya gustong matutong mag-snow ski pero wala siyang oras.

  10. Dahil sa pagsiklab ng digmaan, hindi nakapaglingkod si Pangulong Nelson sa full-time mission.

Komiks

Larawan
ganap na kadiliman maliban sa mga mata ng cartoon

Tingin ko ay napakaaga pa rin para sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan!

Kevin Beckstrom

Larawan
lalaking nakapantulog at nababalot ng kurtina at iba pang gamit sa bahay, babae na nasa kama na nagbubukas ng ilaw

Akala ko ay may lindol o may osong nakapasok sa bahay! Bakit hindi mo binuksan ang ilaw?

Ayaw kong magising ang sinuman.

Val Chadwick Bagley

Mga Sagot

Quiz tungkol kay Pangulong Nelson 1. Tama; 2. Mali—siya ay isang surgeon sa puso; 3. Tama; 4. Tama; 5 Mali—siyam na anak na babae at isang anak na lalaki! 6. Tama; 7. Tama; 8. Tama; 9. Mali—isa siyang aktibong skier sa buong buhay niya; 10. Tama

Print