2022
Kumonekta
Enero 2022


“Kumonekta,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Ene. 2022, loob ng pabalat sa harap.

Kumonekta

Viviena K.

17, Tonga

dalagita

Mula noong nasa Primary ako, gusto ko nang maging missionary. Pero noong labindalawang taong gulang ako, pinanghinaan ako ng loob. Tila napakatagal pa bago ko maabot ang tamang edad para makapagmisyon. Nag-alala ako na baka matukso ako. Inakala ko na mas mabuti pang mamuhay ako ayon sa gusto ko at huwag alalahanin ang tungkol sa paghahanda.

Pero nang kausapin ko ang mga magulang ko tungkol sa pagmimisyon, hinikayat nila ako. Sinabi nila sa akin na laging sisikapin ni Satanas na tuksuhin ako kapag gumagawa ako ng mabuti para sa aking Ama sa Langit. Nagdasal ako para sa patnubay, at nadama ko na pinagtibay ng Ama sa Langit na makakasama ko Siya araw-araw.

Kahit nakaranas na ako ng mga tukso at pagsubok, matatag ang pananampalataya ko. Alam ko na kung maghahanda ako ngayon, sa pamamagitan ni Jesucristo, maaari akong maging missionary na tulad ng matagal ko nang gusto. Maaaring mahirap, pero alam ko na makakasama ko ang Diyos sa lahat ng ginagawa ko.