2022
Alam Ko ang Aking Kahalagahan
Enero 2022


“Alam Ko ang Aking Kahalagahan,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Ene. 2022.

Ang Tema at Ako

Ibinahagi ng mga kabataan kung paano nila ipinamumuhay ang mga salita sa Mga Tema ng Young Women at Aaronic Priesthood Quorum

Alam Ko ang Aking Kahalagahan

“Ako ay minamahal na anak na babae ng mga magulang sa langit.”

dalagita

Larawang kuha ni Christina Smith

Sa maraming bahagi ng Jamaica, ang mga estudyanteng katulad ko ay kailangang kumuha ng isang pagsusulit para makapasok sa high school na gusto nila. Nag-aral kaming mabuti ng mga kaibigan ko para makapasok kaming lahat sa pinakamahusay na high school. Nang magduda ako na baka hindi ako pumasa, pinalakas palagi ng nanay ko ang loob ko. Ipinaalala niya sa akin na isa ako sa mga anak ng Ama sa Langit at na tutulungan Niya akong tahakin ang tamang landas.

Nang bumalik ang mga resulta ng pagsusulit ko, nakuha ko ang pinakamataas na marka na maaari kong makuha! Tuwang-tuwa ako dahil ibig sabihin noon ay makakasama ko ang lahat ng kaibigan ko!

Pero hindi nagtagal ay nalaman ko na hindi pumasa ang isa sa mga kaibigan ko. Lungkot na lungkot kaming lahat na hindi namin siya makakasama. Pero nagalak ako nang maalala ko ang naituro sa akin ng nanay ko. Ang kaibigan ko ay isa ring kahanga-hangang anak ng Ama sa Langit, at tutulungan din Niya siya, anuman ang mga marka sa pagsusulit.

Napawi ang tuwa ko nang sabihin ng kaibigan ko sa lahat na hindi ako karapat-dapat na pumasok sa high school na iyon—na siya dapat ang nakapasok. Pumanig sa kanya ang karamihan sa mga kaibigan ko at tumigil sila sa pagsama sa akin. Nagsimula akong magduda sa sarili ko. Karapat-dapat nga ba akong makapasok?

Naalala ko ang itinuro sa akin ng nanay ko: na isa akong natatanging anak na kawangis ng Ama sa Langit.

Nasa bagong paaralan na ako ngayon, at nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan. Sinusuportahan nila ako at ipinapaalala nila sa akin ang aking kahalagahan. Nalaman ko na hindi mahalaga kung ano ang sinasabi ng ibang tao tungkol sa akin. Masaya ako kapag sinisikap kong maging kung ano ang nais ng Diyos na kahinatnan ko—dahil iyon ang gusto kong kahinatnan.

Ang awtor ay naninirahan sa Jamaica.