2022
Ang Ating Gabay sa Katotohanan
Enero 2022


“Ang Ating Gabay sa Katotohanan,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Ene. 2022.

Panghuling Salita

Ang Ating Gabay sa Katotohanan

Mula sa isang mensahe sa pangkalahatang kumperensya ng Oktubre 2004.

batang lalaki sa tabi ng mga karatula sa kalsada

Mga larawang-guhit ni Emily Davis

Mula sa iyong kinaroroonan sa landas ng buhay, maraming milya pa ang lalakbayin mo at maraming pagpili pa ang gagawin mo habang hinahangad mong makabalik sa ating Ama sa Langit. Sa kahabaan ng landas ay maraming palatandaan na nag-aanyaya.. Si Satanas ang may-akda sa ilan sa mga paanyayang ito. Hangad niyang lituhin at linlangin tayo, para idaan tayo sa mababang landas na palayo sa ating walang-hanggang destinasyon.

salamangkerong pinalulutang ang bola
mapa

Nais kong ibahagi kung paano mo maiiwasang malinlang. Una, naturuan ka na ng kabutihan at tiniyak na sa iyo ang katotohanan nito, kaya tandaan mo iyon. Kumapit nang mahigpit sa mga banal na kasulatan, na ang mga turo ay nagpoprotekta sa atin laban sa kasamaan. Pangalawa, hindi sapat na matanggap ang katotohanan. Kailangan din nating tanggapin “ang Banal na Espiritu bilang [ating] patnubay” at “hindi [magpalinlang]” (Doktrina at mga Tipan 45:57).

dalagitang tumatanggap ng sakramento

“Paano natin tinatanggap ang Banal na Espiritu bilang ating patnubay? Kailangan nating pagsisihan ang ating mga kasalanan at magpanibago ng ating mga tipan sa pamamagitan ng pagtanggap ng sakramento bawat linggo nang may malilinis na kamay at dalisay na puso. Sa ganitong paraan lang natin matatamo ang banal na pangako na “sa tuwina ay mapasa[atin] ang Kanyang Espiritu” (Doktrina at mga Tipan 20:77). Ang Espiritung iyan ay ang Espiritu Santo, na ang misyon ay patotohanan ang Ama at ang Anak, turuan tayo, at gabayan tayo tungo sa katotohanan.