2022
Paano nilikha ang mundo?
Enero 2022


“Paano nilikha ang mundo?,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Ene. 2022.

Tuwirang Sagot

Paano nilikha ang mundo?

si Cristo na nililikha ang mundo

“Nang pasimula, nilikha ng Diyos ang langit at ang lupa” (Genesis 1:1). Kung gayon, paano Niya ginawa iyon? Narito ang ilang bagay na alam natin:

Nilikha ni Jesucristo ang mundo. Pinamahalaan ng Ama sa Langit ang gawain ng Paglikha; isinagawa iyon ni Jesucristo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng priesthood. “Sa pamamagitan ng aking Bugtong na Anak ay nilalang ko … ang lupa” (Moises 2:1).

Ang mundo ay inorganisa mula sa umiiral na mga elemento, hindi nilikha mula sa wala. “Tayo ay magdadala ng mga sangkap na ito, at tayo ay lilikha ng mundo” (Abraham 3:24).

Ang Paglikha ay naganap sa anim na yugto. May ilang bagay na nangyari sa bawat yugto ng Paglikha. Halimbawa, dumating ang mga halaman sa isang yugto, ang mga nilikha sa dagat at mga ibon sa isa pang yugto, mga hayop at tao sa iba pang mga yugto.

Ang mga yugto ng Paglikha ay naganap sa loob ng di-matukoy na haba ng panahon. Ang mga banal na kasulatan kung minsan ay tinatawag ang mga yugto na “mga araw,” pero hindi ito nangangahulugang mga araw na binubuo ng 24-oras. Binabanggit naman sa isang salaysay ang “mga panahon” (tingnan sa Abraham 4). Hindi natin alam ang haba ng mga panahong ito.

Ang mga tanong natin tungkol sa Paglikha ay masasagot kalaunan. “Sa araw na iyon kapag ang Panginoon ay pumarito, ihahayag niya ang lahat ng bagay—mga bagay … sa lupa, kung paano ito nagawa” (Doktrina at mgaTipan 101:32–33).