2022
Malinaw na Unawain Kung Sino Ka
Enero 2022


“Malinaw na Unawain Kung Sino Ka,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Ene. 2022.

Malinaw na Unawain Kung Sino Ka

Huwag hayaang idikta sa iyo ng mundo kung sino ka.

batang babaeng naaaninag ang kanyang sarili sa store window

Sisikapin ng mundo na sabihin sa iyo ang mga bagay tungkol sa iyong sarili na hindi totoo.

“Hindi sapat ang katanyagan mo.”

Pero ang totoo: ang mga tunay na pagkakaibigan ay mas mahalaga kaysa katanyagan.

batang lalaking naaaninag ang kanyang sarili sa tubig sa fountain

“Hindi ka magtatagumpay sa anuman kahit kailan.”

Pero ang totoo: ang pananampalataya at kasipagan ay makatutulong sa iyo na makamtan ang anumang mithiin mo.

batang babaeng naaaninag ang kanyang sarili sa salamin

“Masyado kang—” “Dapat ay higit kang—” “Hindi sapat ang iyong—”

Pero ang totoo: Nais ng Diyos na makita mo ang iyong sarili nang may espirituwal na pananaw.

batang lalaking naaaninag ang kanyang sarili sa rearview mirror

“Wala kang halaga!”

Pero ang totoo: ikaw ay anak ng Diyos.

batang lalaki at batang babaeng nagkakalaykay ng mga dahon at naaaninag ang kanilang sarili sa putikan

“Marami kang napapalampas na masasayang bagay!”

Pero ang totoo: nagagalak ka kapag ibinabahagi mo ang pagmamahal ng Diyos sa mga nasa paligid mo.

batang lalaking naaaninag ang kanyang sarili sa kompas

“Hindi ka magtatagumpay sa buhay kahit kailan.”

Pero ang totoo: ang kinabukasan mo ay kasing liwanag ng iyong pananampalataya.1

Tala

  1. Tingnan sa Thomas S. Monson, “Magalak,” pangkalahatang kumperensya ng Abr. 2009 (Ensign o Liahona, Mayo 2009, 92).