“Magtiwala sa Panginoon,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Ene. 2022.
Magtiwala sa Panginoon
Awitin ng Tema ng mga Kabataan para sa 2022
Ang mundo ay gumuguho.
Langit, kulay abo.
Panginoo’y tumatawag,
At Siya ang gagabay.
Alam namin
ang Kanyang tinig,
ang Kanyang salita.
Siya ang ilaw.
At Siya’y aming susundan.
Sa sunog man
o sa bagyo,
Sa pagdilim,
Siya ang aming gabay.
Magtiwala sa Diyos.
Sa lungkot man
o kawalan,
Liwanag Niya
ang aming susundan.
Magtiwala sa Diyos.
Magtiwala sa Diyos.
Hindi kami mabubulag;
Malinaw ang landas.
May hadlang man sa ‘ming daan,
Takot, nawawala.
Pinapayapa
aming loob,
Pagod, tinatanggal.
Siya ang ilaw, at kailan pa man,
Siya’y laging kasama.
Sa sunog man
o sa bagyo,
Sa pagdilim,
Siya ang aming gabay.
Magtiwala sa Diyos.
Sa lungkot man
o kawalan,
Liwanag Niya
ang aming susundan.
Magtiwala sa Diyos.
Magtiwala sa Diyos.
Nang buong puso,
Mundo ay lilisanin,
Magtitiwala sa Lumikha.
Sa sunog man
o sa bagyo,
Sa pagdilim,
Siya ang aming gabay.
Magtiwala sa Diyos.
Sa lungkot man
o kawalan,
Liwanag Niya
ang aming susundan.
Magtiwala sa Diyos.
Magtiwala sa Diyos.
Magtiwala sa Diyos.
© 2021 ng Intellectual Reserve, Inc. All rights reserved.
Ang awiting ito ay maaaring kopyahin para sa insidental at di-pangkalakal na gamit sa simbahan o tahanan.
Ang paunawang ito ay kailangang isama sa bawat kopyang gagawin.