Pangkalahatang Kumperensya
Pagsang-ayon sa mga General Authority, Area Seventy, at Pangkalahatang Opisiyal
Pangkalahatang kumperensya ng Oktubre 2023


4:29

Pagsang-ayon sa mga General Authority, Area Seventy, at Pangkalahatang Opisiyal

Mga kapatid, pribilehiyo kong ipakilala sa inyo ang mga General Authority, Area Seventy, at Pangkalahatang Opisiyal ng Simbahan para sa inyong boto ng pagsang-ayon.

Ipakita lamang ang inyong suporta sa karaniwang paraan, saanman kayo naroon. Kung mayroong mga tututol, hinihiling naming kontakin ninyo ang inyong stake president.

Iminumungkahing sang-ayunan natin si Russell Marion Nelson bilang propeta, tagakita, at tagapaghayag at Pangulo ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw; Dallin Harris Oaks bilang Unang Tagapayo sa Unang Panguluhan; at Henry Bennion Eyring bilang Pangalawang Tagapayo sa Unang Panguluhan.

Ang mga sang-ayon ay ipakita lamang.

Ang hindi sang-ayon, kung mayroon, ipakita lamang.

Iminumungkahing sang-ayunan natin si Dallin H. Oaks bilang Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol at si M. Russell Ballard bilang Gumaganap na Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol.

Ang mga sang-ayon, ipakita lamang.

Ang hindi sang-ayon ay ipakita lamang.

Iminumungkahing sang-ayunan natin ang mga sumusunod bilang mga miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol: M. Russell Ballard, Jeffrey R. Holland, Dieter F. Uchtdorf, David A. Bednar, Quentin L. Cook, D. Todd Christofferson, Neil L. Andersen, Ronald A. Rasband, Gary E. Stevenson, Dale G. Renlund, Gerrit W. Gong, at Ulisses Soares.

Ang mga sang-ayon, ipakita lamang.

Ang hindi sang-ayon ay ipakita lamang.

Iminumungkahing sang-ayunan natin ang mga tagapayo sa Unang Panguluhan at ang Korum ng Labindalawang Apostol bilang mga propeta, tagakita, at tagapaghayag.

Lahat ng sang-ayon, mangyaring ipakita.

Ang hindi sang-ayon, kung mayroon, ay ipakita rin.

Tulad ng inanunsiyo na dati, tinawag namin si Alexander Dushku na maglingkod bilang General Authority Seventy.

Ang mga sang-ayon, ipakita lamang.

Ang mga hindi sang-ayon, ipakita rin.

Pinasasalamatan din namin ang dalawa pang Area Seventy na ini-release na ang mga pangalan ay matatagpuan sa website ng Simbahan.

Ang mga nais makiisa sa amin sa pagpapasalamat sa mga kapatid na ito sa mahusay nilang paglilingkod ay mangyaring ipakita.

Iminumungkahing sang-ayunan natin ang iba pang mga General Authority at Area Seventy, kabilang ang dalawang bagong Area Seventy na ang mga pangalan ay nasa website ng Simbahan, at ang mga Pangkalahatang Opisyal sa kasalukuyan.

Ang lahat ng sang-ayon ay maaari itong ipakita sa pagtataas ng kamay.

Ang mga di sang-ayon, kung mayroon.

Salamat, mga kapatid, sa inyong patuloy na pananampalataya at mga panalangin para sa mga pinuno ng Simbahan.

Mga Pagbabago sa mga Area Seventy

Ang mga sumusunod na Area Seventy ay sinang-ayunan sa isang leadership session na idinaos bilang bahagi ng pangkalahatang kumperensya:

Rogério Boschi and Kirt L. Hodges.

Ang mga sumusunod na Area Seventy ay ini-release sa isang leadership session na idinaos bilang bahagi ng pangkalahatang kumperensya:

Henry J. Eyring and Youngjoon Kwon.