2009
Komentaryo
Hunyo 2009


Komentaryo

Mga Sagot sa mga Tanong

Bawat buwan nakakahanap ako sa magasin ng gabay at tulong para sa buhay ko, at alam kong totoo ang nilalaman nito. Sa artikulong “Ang Gumagabay na Kamay ng Diyos” (Hulyo 2008), ni Elder Wolfgang H. Paul, nakahanap ako ng mga sagot sa mga tanong na nasa isipan ko ilang araw lamang bago lumabas ang magasin. Pinagtibay nito sa akin na ang magasin ay salita ng Panginoon na ibinigay sa atin sa pamamagitan ng mga mensahe ng Kanyang matatapat na tagapaglingkod.

Sandra Sancristobal, Uruguay

Pagdaig sa mga Hamon

Nagpapasalamat ako sa mga artikulo tungkol kina Pangulong Henry B. Eyring at Pangulong Dieter F. Uchtdorf sa Liahona ng Hulyo 2008. Matapos kong basahin ang mga artikulong ito at magdasal, nakatanggap ako ng mga sagot sa mga tanong na matagal nang bumabagabag sa akin. Nalaman ko na ang mga pagsubok na naranasan ng aking pamilya ay naranasan din ni Pangulong Eyring at ng kanyang pamilya, at natanto ko na ang mga pinipili namin ay tama, kahit taliwas ito sa paniniwala ng mundo. Ang mga nabasa ko tungkol sa mga paghihirap na tiniis ni Pangulong Uchtdorf at ng kanyang pamilya ay naghikayat sa akin na maging mas mapagpakumbaba at mapagpasalamat sa mga pagpapalang tinatanggap ko.

Luane Izabel Fernandes Dias, Brazil