2009
Ang Utos na Magtayo ng mga Templo
Hunyo 2009


Mula sa Buhay ni Propetang Joseph Smith

Ang Utos na Magtayo ng mga Templo

Sa maraming lugar kung saan may nakatirang mga miyembro ng Simbahan, inutusan sila ng Panginoon na magtayo ng templo.

Kirtland

Alam kong salat tayo—marami nga sa inyo ang walang tirahan—pero inutusan tayo ng Panginoon na magtayo ng templo.

Kahit madalas na hindi sila nakakapagtayo ng templo dahil sa pag-uusig, talagang sinubukan ng mga Banal.

Far West

Mga kapatid, magtayo tayo ng templo.

Nauvoo

Ang ating pinakamahalagang gawain ay magtayo ng templo.

Nagtrabaho nang husto si Joseph kasama ng mga Banal sa mga Huling araw para itayo ang Nauvoo Temple.

Napakaganda ng gusaling ito kapag natapos.

Hindi lamang basta gusali kundi bahay ng Panginoon.

Napatay si Joseph bago pa man natapos ang templo. Ngunit araw at gabing nagtrabaho ang mga Banal para matapos ito. Gusto nilang matanggap sa templo ang mga espirituwal na handog na ipinangako ng Panginoon sa kanila.

Kailangang ibigay natin ang lahat ng makakaya natin para matapos ang templo.

Panandalian lamang natamasa ng mga Banal ang Nauvoo Temple. Maraming mga Banal ang nakatanggap ng mga ordenansa sa templo bago ito nasira.

Matapos makarating ang mga Banal sa mga Huling Araw sa Utah, nakatanggap ng paghahayag si Brigham Young na magtayo ng marami pang templo.

Mga paglalarawan nina Sal Velluto at Eugenio Matozzi

St. George (inilaan noong Abril 6, 1877)

Logan (inilaan noong Mayo 17, 1884)

Manti (inilaan noong Mayo 2, 1888)

Salt Lake (inilaan noong Abril 6, 1893)