Halina’t Pakinggan ang Tinig ng Isang Propeta
Ilang Tao ang Maaari Nating Tulungan?
Mula sa mensaheng ibinigay sa Coalition for Utah’s Future, Common Goods Awards Luncheon, Okt. 25, 2000.
Sinabi ni Pangulong Monson na maraming tao sa mundo ang nangangailangan ng tulong. Sinabi niya na gusto ng Ama sa Langit na mapansin natin sila at tingnan kung ilan ang ating matutulungan.
Kapag mayroon tayong mga matang nakakakita at mga taingang nakakarinig at mga pusong nakakaalam at nakakaramdam, malalaman natin ang mga pangangailangan ng ating kapwa na humihingi ng tulong.
Paano sila kumakain—nang walang pagkain? Paano sila hindi giginawin—nang walang damit? nang walang tirahan? Paano sila nabubuhay—nang walang kaparaanan? Paano sila gumagaling—nang walang mga doktor, gamot, at ospital?
Naniniwala ako na kapag humarap na tayo sa ating Ama sa Langit, tatanungin tayo, “Ilang tao ba ang inyong natulungan? ●