Para sa Maliliit na Bata
Ang Patotoo ni Evelyn tungkol sa Templo
Gustung-gustong dumalo ni Evelyn sa Primary. Lagi siyang nagtataas ng kamay para manalangin. Gustung-gusto rin niyang tulungan ang kanyang mga guro.
Ngunit ngayon ang unang pagkakataon na magbibigay ng mensahe si Evelyn. Habang naglalakad siya papunta sa harapan ng silid, para siyang kinakabahan. At nagsimulang bumilis ang pintig ng kanyang puso. Kabog-kabog. Kabog-kabog. Kabog-kabog.
“Hi,” sabi ni Evelyn pagdating niya sa harapan ng silid. “Ang pangalan ko ay Evelyn. Kagagaling lang ng pamilya ko sa templo para magkasama-sama kami magpakailanman.”
Nagkuwento si Evelyn sa mga batang Primary tungkol sa puting damit na isinuot niya. Puting-puti rin ang templo. Sinabi niya sa kanila na sila ng kanyang mga magulang at kapatid na babae ay sama-samang nabuklod magpakailanman.
“Alam kong mahal tayo ng Ama sa Langit,” sabi ni Evelyn. “Hinahayaan Niya tayong magpunta sa templo para makasama ang ating pamilya magpakailanman.”
Muling umupo si Evelyn. Masaya siya. Parang may mainit na liwanag na nagningning sa kanyang buong katawan. Masaya siya na nakapunta siya sa templo.